7/25/07

Mga naadiscover sa retreat

Palanca ni Maam Wilma consistent
Nalulungkot pa siya na hindi ako nagrerecite. Akala lang niya, kung gaano kahirap mag-recite.

Mga kabaliwan ng estudyante sa Bl Benedict
Kahit gabi na, kahit bangag na, kahit may drugs na ang unan, tawanan pa rin ang inuuna.


Masarap mag-retreat
Napakasaya, napakaraming matututunan, at...

Si kuya Pau(oo Pau, parang Pao)
Malokong may point, balanseng-balanse ang discussion niya, pero minsan...twit, twit. Si kuya Pau, sana, talaga, umayos ang kanyang buhay, pero, hindi na naman niya ata kailangan ang luck eh, talented naman siya eh.

Oo nga pala, eto...
DENY ONES SELF!!!

Retreat

Mga natutunan ko sa retreat:

Plastic ang mga tao- Mabait sila sa mga tao na mayaman, pero kapag mahirap ka, masmasahol ka pa sa *censored*

Ang palanca hindibinibigay

Be considerate

Party-cipate

All the time...
God is good...
God is good...
All the time...
*blah blah*
Yeah!
1...2...3...
awhoo, awhoo, awhoo
twit, twit, twit

7/17/07

Pisong Babalik

"Ay, kuya, wala po akong barya", sabi ng trycicle driver, "sa susunod na lang ho."

"O sige", sabi ko, ngunit alam ko nang hindi ito babalik ang aking piso.

Sa araw na mga dumaan, Hinahanap ko ang mamang ito. Siyempre, hindi ko na siya natiyambahan. Isip ko agad-agad, "Oo, hindi na nga babalik piso ko."

Sa mga araw pang nakaraan, unti-unti ko nang nalimutan ang pisong utang. Total, bumibigat na rin ang aking wallet sa mga pisong barya.

Isang araw, nang umuwi akong ginagabi na, sabi ko sa sarili ko, "Hala, paano na 'yan, gabi na nga talaga ako uuwi." Ngunit, sa bangketa sa kabilang banda ng kalsada bago ako tumawid, may tricycle na tila hindi gumagalaw, o nakaparada. Sa aking pagtawid, inakala ko na isa siyang 'di pamilyar na mukha, isa nanamang bagong tricycle driver. Nasip ko nanaman ang aking piso.

Nang pagsakay ko sa kanyang sidecar, agaran kaming umalis papunta sa itinakda kong lugar. "West", sabi ko, pero hindi ko sinabi a ng numero ng bahay ko. Nang papunta na kami sa bahay ko dahan-dahan niyang minaneho ang kanyang sasakyan patungo sa harap mismo ng bahay ko.

"Bakit kaya?", inisip ko, "siguro nalimutan ko lang ang mukha niya".

Nagbayad ako ng 15 na sobra isang piso sa bayad (14 lang kasi ang pamasaheng kailangan). Isinukli niya sa akin ay dalawang piso.

"Kuya,"

Bago pa ako mag patuloy ay sinabi niya sa akin...

"'Di ba may utang pa ako sa inyong piso"

7/10/07

May naalala lang

... there is an empty space in my heart...

... I'll never forget, how you brought the sun to shine in my life...

... i guess what I'm really trying to say, it's not everyday that someone like you comes my way...

...no words can express how much ( some text missing)

7/4/07

105th post

Haha, naakaka 105th post na ako ng blog na ito.kasyo ilan na. haha

pero hindi ko sasayangin ang 105th post. im here to discuss the last two texts na binasa, binabasa, o babasahin pa lang habang naghihintay sa bell.

yng una, hindi ko masyadong naintindihan, siyempre, yung mga salita. Yung pangalawa, medyo naintindihan ko, pero nagpatulong rin aq kay jj (ty jj)para maintindihan. yung pangalawa, yung uhaw ang tigang na lupa, ay isang magandang istorya kung saan ang anak ay nagkukuwento ng pagkamatay ng kanyang ama, at ang relasyon ng kanyang ina niya sa ama niya.

hay, napaka weird ng story line na sinusunod ni ms baƱadera, liham ni wikang filipino, san patungo ang langay-langayan, suyuan sa tubigan, at uhaw ang tigang na lupa.

diba walang consistency. haay, evr

happy 105th post