11/27/07

Hello CDC...

Hello Center for disease controll,

napaka hindi tama ng para sa mga naaapektuhan ng hindi naman nila kasalanang kababalaghan. kabaliwan, kagaguhan, at kabaklaan. iyan ang mga ilan sa mga problemang bumbagabag sa mga taong walang kasalanan ngayon. miski sino tanungin niyo, mayroon sila laging inaangal na problema na hindi nila ginawa.

Parang epidemiya kumakalat ang panggagago ng mga nagaakalang biktima ng mga sakit sa paligid-ligid. Wala silang ginawa kung hindi magmukmok at umangal, wala na silang idinulot na maganda para sa iba. walang- wala. kabobohan.

Ako, hindi ko man gawin ang kalahati ng sinasabi ko, ngunit alam kong mag-masking tape ng mga bagay na mali sa akin. hindi ako madalas umangal. hindi ako umaaray kahit masakit na, maskingtape na ang puso ko. natuto akong maging manhid.

dapat ang mga gagong it ay tumigil na sa mga kagaguhan nila, para hindi na sila maging gago noh... nakakagago eh. kagaguhan.

hello CDC, yun lang...

11/21/07

After Ten Years...

Pagkatapos ng sampung taon, wala masyadong nagbago. mga kaibigan ko kaibigan ko pa rin. yung mga kagrupo ko kagrupo pa rin. si ton ton emo pa rin. jewk

yung tle project namin ni be, nagumpisa sa pagaayos ng lightbulb pero yun ang huling gagawin.

yung grupo namin sa filipino hindi ko alam ang topic, basta ako yung C.

Palaki ng palaki ang problema ng mga tao sa paligid ko, ako rin, nararamdaman ko rin ang hirap. at pagkatapos pa ng sampung taon, ano kaya mangyayari?

11/7/07

ACL

Sabi ni Sir, boring daw kung sobrang haba ang mga information na ibinibigay. which is totoo naman. Wala nang tiyaga ang mga taong magbasa ng mga bagay-bagay na puno ng impormasyon, laging gusto ang mga shortcuts. which is totoo, mapa-estudyante man to trabahador. Kaso, ang masaklap sa ganito ay minsan hindi nalalaman ang buong katotohanan ng mga bagay, kung kaya't maraming maling impormasyong dumadaloy.

Sabi ni Sir, only include the basic and the necessary. tulad nung mini skirt philosophy ni Sir, Just enough to cover everything, but short enough to give excitement. which is maganda naman, ngayo't nangangailangan na tayo sa oras, dahil gipit na gipit na tayo dito.

Iyon ang problema eh, wala tayong pakialam sa oras, ang gusto natin ay bumilog ang mundo sa atin, ni minsan ay wala tayong tiyaga na magmadali para sa ikabubuti ng iba. Kulang ang tiyaga para sa mahahaba, ngunit walang pakialam sa pakundangan ng iba. Ganito tayo ngayon. and i am no exception to that.