5/24/07

Akala

Akala ko maraming posts na masusulat sa mga blogs ng mga bloggers
Akala ko maraming mga tao sa YM ngayo't wala nang pasok
Akala ko maraming magbabago ngayo't bakasyon na

Mali pala ako..

Hindi ko inakala na magiging malala ang bakasyon ng maraming tao sa LSM
Hindi ko inakala na magiging mahirap ang pag-aalaga ng sarili sa bakasyon
Hindi ko inakala na uunlad tayo sa ekonomiya

Mali pala ako...

Grabe, andami kong maling naisip tungkol sa bakasyon. Hay, ngayong matatapos na ang bakasyon, masasabi kong mali ang naisip ko noong sa kaun-nahan ng bakasyon.

"Magsasaya ako, kasi bakasyon na"
"Uupo na lang ako sa harapan ng compyuter"
"Siguro maraming lalabas tuwing bakasyon"

I wish na nakapag-text ako ngayon bakasyon
I wish na nakapag-laro ako kasama ng aking mga kibigan (si Mark na lang nakalaro ko eh, at is Peña)
I wish na nakapag-pahinga ako ngayong summer

Ang malala sa mga transition ay ang hang-over. POR EXSAMPOL: ur watching a slideshow, yu sow a picsyur dat captibeyted yur maynd, yu wanted tu ster at it longger, pero nag necz slayd na. Hindi ako makapaghintay sa bakasyon, pero hindi ko inasahan na mababanas pala ako ngayon. Gusto ko bumalik sa pasukan. Ngayon, hindi ako makapaghintay sa pagpasok natin ngayong SY 07-08. Tapos, alam ko na gugustuhin ko na magbakasyon pa lalo pag-pasok.

Sa katotohanan, walang isang bagay na makakapagpasaya sa atin, sa totoo lang.

5/22/07

Mga natutunan ngayong bakasyon.

Anong lugar ang malaki, mataas at matao? Anong lugar ang noo'y maganda't malamig? Anong lugar ngayo'y sing-init na ng pinakamalamig na panahon sa Maynila?

Sige, hula pa...

Nakaka-awa ang lugar na ito. Sabi daw na noon ay puno pa ito ng mga punong nagsilalakihan, na ngayon ay bulubundukin na ng bahay.

Hindi ko tanda kung ako ay nakapunta na doon noon, pero alam kong lumalala lang ito lalo.

Kung hindi sa tao'y isa pa rin ito sa pinaka magandang lugar sa bansang Pilipinas.

Alam kong mauubos rin ang kakaunting puno ng ngayon ay nakatayo sa matatarik na bulubundukin ng lugar na ito. Alam kong mababasag ang bansag ng mga tao sa lugar na ito. At alam ko rin na kahit ang opinyon ko ay akin lamang, hindi mababago ang katotohanang ang tao ay ang dahilan kung bakit nagkaganito ang maraming lugar sa Pilipinas.

At Yun ang natutunan ko ngayon bakasyon.