Malupet ba title ng post?
Kasi, most commonly, ito ay sinasabi as coincidence.
Noong 4/18/07 fyn fyn pa kami ng isang tao.
Noong 4/19/07 everything went to hell's direction.
A few days later, more exactly 4/23/07, i was annoyed by a person who started to annoy me by doing this, XD.
A few nights later, more exactly 4/28/07, while I was offline, Hell's direction detoured back to earth.
Then, the day after the day before the day after tomorrow, more exactly 4/29/07, may nabuhay, may nagbalik ng sorry, at may nagreply ng hindi XD.
And then a few minutes later, may gumawa ng post na ito.
Sana lahat ng direction ng buhay ng tao ay mag detour sa kaligayahan.
Sa dami ng araw na maraming nagkamali at sumama, sa isang gabing tila walang pag-asang guminhawa ang karamihan ng tala ay bumuti ang minsa'y pumunta't bumalik mula sa pagdurusa at pighati.
SIGE PAO... XD
SIGE TON... EVER
SIGE MICO... TULUYING BUHAYIN AT PALAGUIN
4/29/07
Kowingkidink
Publicated by bo and SYMBO since 5:37 AM 0 deviations
4/22/07
X(
Minsan lang talaga, napakasama ng mundo sa 'tin. Minsan, napakatindi ng pambubusisi ng mundo satin. Maaastigan ako sa taong walang pinagdaanang hirap.
Sa katotohanan lang, napaka uninspired ng post na toh, kaya mag ingat sa mga X(...
X(
Eto ang mukhang bumigay na. wawa naman...
Siguro, kung lahat ng tao ay binalewala na ang kanilang paghihirap at sumuko na lang sa kahirapan, maraming ganitong mukha.
sa totoo lang, masarap murahin ang kapalaran.
Oo, fate, yun yung kilakalaban nina travis at jasmine sa sana maulit muli na malapit nang matapos. minsan talaga hindi naiiwasaaan ang karahasan ng kapalaran, kung maiiwasan man, tulad sa final destination series, ha-hunting-in ng mabusisi ang biktima nito.
Ano na kaya ang nangyari sa mga mahirap na sumuko...
Eh di... X(
Ganun man lang kasimple eh. Kung sumuko, eh di... X(
Trying not to sound emo here pero ganun talaga ang buhay, minsan may bakla't tomboy na nag aaway tapos yun isa ay sobrang nagalit kaya ... X(
Sabi nga na, da world tries so hard to put us down, but sometimes we stay down. X(
wawa naman tayo, isa lang pawn sa chessboard ng buhay.
Kaya advice ko sa inyo, wag kayong sumuko kasi, kung sumuko kayo, eh di ... X(
Publicated by bo and SYMBO since 5:29 AM 0 deviations
4/18/07
T
If you tell a true tall tale that does not sound true, you will be told to traverse to the top of a tall mountain and jump off its twenty-thousand meter cliff. Truthfully.
Translation:
Minsan kasi, ang ilang bagay na hindi mukhang totoo ay totoo pero kung sinabi ito sa ibang tao na naniniwalang hindi ito totoo maaasar siya at ... maaasar siya. Sa totoo lang. -'
Publicated by bo and SYMBO since 12:52 AM 0 deviations
4/12/07
Walang Malagay
Alam niyo ba ang dahilan kung bakit wala akong masulat-sulat dito sa blog kong ito.
1. walang maisaip
2. walang interes para mag isip
3. ayaw mag bukas ng account
4. mas masaya ang ibang bagay para mag bukas ng account
5. nababangag na
6. ayaw gumawa ng mga bagay-bagay
7. hindi inspired
8. laman ng utak ay kung anong ewan
9. na dedeprive sa laro kasi in-uninstall ang warcraft/dota
10. bakit ko inawa yung #9
siguro yun lang
P.S. BA'T KO GINAWA YUNG #9
Publicated by bo and SYMBO since 2:06 AM 0 deviations
4/7/07
Laban Archer
Minsan o Madalas, lumalaban tayo na parang isang swordsman. Harap-harapang lumalaban sa kalaban, kaso madalas namamatay. Pero, may mga sandali rin na lumalaban tayo na parang isang archer, kung saan tayo ay matagal tumira pero hindi madaling mamatay at sure kill pa ang kalaban.
Yun lang...
Publicated by bo and SYMBO since 5:06 AM 0 deviations
4/2/07
Another Long and Disturbing Post
Una sa lahat, hindi ako makatulog ng maaga. Humihiga ako sa kama ng mga 10:00 - 11:00 at nakakatulog ako ng mga 2:00 - 3:00. Napakanakakabangag ang mga oras na napakaloob dun sa mga oras sa pagitan nun.
Ikalawa sa lahat, Napaka walang kuwenta ng summer ko. Nakakabagot, nakakatamad at mag-isa lang ako sa pagkausap ko sa sarili ko ( seriously, gusto ko lumabas ng bahay kaso walang pupuntahan).
Ikatlo naman ay dinaramdam ko ang ka-walang kuwentahan ng buhay sa summer. Sa totoo lang, bored na bored ako dito sa bahay, kaya nga gusto ko umalis ng bahay, away from family, and with my friends.
Kapag pinagsama-sama ang lahat, napaka lala ng kundisyon ko sa gabi.Halos ako ay maiyak sa ka-walang kuwentahan ng bakasyon kong ito. Palibhasa hindi naman ako nakukuntento.
Ang isang napaka gandang rason kung hindi ako nag wawala ay ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok ng third year. Actually, dalawa yun eh, kaso isa lang ang ibibigay ko.
Ang isa sa dalawang dahilan ng aking pagpapanatili ko ng tamang rasyonalidad ay ang aking mga kaibigan. Siguro hindi ko na kailangang ituro kung sinu-sino yun. Inaasahan kong nariyan lang sila kung may chansa ngang tuluyan na akong nabangag.
Ang ikalawa ay ewan ko. Ilan lang ata ang nakakaalam, pero siguro alam nila kung ano ang ikalawang dahilan na ito.
Haay, buhay summer talaga.
Kagabi, nakikinig ako sa TV sa kabilang kuwarto, bago ako nakatulog ay narinig ko ang kantang, "I will survive". Napaka-korny diba, kaso hindi masyado kasi ganun na nga ang kailangan kong mga salita sa tag init nitong buhay ko.
Sa haba nitong na-i-type kong ito ay isa lang ang gusto kong maipahiwatig. Iyun ay, "xet, lang kwenta sumer k".
Publicated by bo and SYMBO since 5:48 AM 0 deviations
Update
Ayos na ang:
marami
namely:
yung buong sidebar niretoke ko
at may:
hindi nagbabagong numero ng idealista
at marami pang kulang na:
posts at mailalagay sa side bar at idealists
so far:
yung pa lang
Publicated by bo and SYMBO since 5:23 AM 0 deviations
