10/26/07

Sembreak Eve

Ngayong araw na toh, super duper uper dami ng ginawa, kahit tatlo lang yung subjects. Nag practice para sa living rosary, na tumagal ng ewan, basta't matagal.

Human rosary
sabi ni mama, human rosary daw, pero living dapat, iba na yung human rosary. yung feeling ng nakaluhod sa bato at nakaupo ng walang upuan. pinagsawaan ko na rin ang likuran ng simbahan. grabeh, kashit hindi halata, walang coordination masyado yung marshals, muwaha. Success pa rin

Pagkabalik na nang feeling mga paa ko
Surprised ako, kasi walang usmigaw, at least hindi nagkagulo. nagpunta sa shangrilla, kumain, nakakita ng mga lourdesiano. habang pagtaas, nakakita ng mga teachers, pagtaas ng escalator, bago lumabas ng mall, may nakita ako, tila malungkot at mag-isa. haay, suprising to think, na may malungkot at nag-iisa sa umpisa ng sembreak.

gud luck na lang. sana sumaya kayong lahat, ipagdarasal ko yun.

10/22/07

wyny da pu

ang picture ngyon ni lider ay winnie the pooh, may naalala lang, wala lang............. haha

10/19/07

Habang nakatunganga ako dito sa harap ng monitor, iniisip ko kung ano ang puwedeng gawin. Natural, marami kaso tinatamad ako. NAriyan ang mga homeworks, mga chores, mga bagay na ililigpit at aayusin, kaso... tinatamad ako.

Ano naman iyon, walang kabluhang pagkakatunganga. Isa akong patay na kaluluwa sa loob ng aking katawan. wala akong dahilan upang umarte ng dapat. Wala akong inspirasyon upang gumaawa at lumikha ng mga bagay-bagay, kung mayroon man ay wala pa rin itong katuturan.

Ang sabi sa akin at isa akong malabo at magulong tao, isang matalinong tamad, isang baliw na malalim. Ang lahat ng ito a totoo, wala nang dahilan pa para palawakin.

Sana ay mahanap ko muli ang aking mga munting paraan upang masimulan muli ang patuloy na paglikha sa katapusan ng unang bahagi ng aking magulong buhay. Kung may kasama man ako ay mapalad, kung wala naman, marami pa akong gagawin.

Happy birthday Maan Rose
Congrats Maam Berlie
Good Luck me

10/10/07

Mag aalas-siyete na

Nako naman, mag aalas-siyete na ng gabi, hindi pa ako nakaka-uwi. Ganito kasi ang nangyari.

Niyaya ako sa labas ng na-birthday kanina ( namely JP) kasama ng iba pa( namely sina ton, keith, jj, be, bayani, kj, at ako). so, sa pizza huit lang kami kumain, courtesy of mr. and mrs. palmaria. So yun, busog, busog, busog. nang pauwi na kami, niyaya naman ako nina keith na mag-quantum sa shang. so mga 1 + 1/2 hours kami dun, so mga kaadikan ni keith na nag dance maniax ng mga isa't kalahating oras. haha

kaya yun. dito ko sa trycicle nag iisip kung papatayin ba ko pag-datin sa bahay o ewan. haay nako...

well at least hindi diba... haha

10/2/07

Regalo

Nagbigay ang dalawang manliligaw ng tig-isang regalo sa kanilang nililigawan.

Ang isa ay nag-bigay ng isang tali ng buhok.Isang simpleng regalo lang ito, hindi mamahalin. Ginamit ito nang babae araw-araw dahil laging naka lugay ang kanyang buhok na nakakasagabal dito.

Ang isa naman ay isang larawan. May kalakihan ito, mga 20 x 30 inch. Isinabit ito ng babae sa kanyang bahay. Sa una ay tingin ito ng tingin, ngunit, paglipas ng panahon aynakasawaan ito nang babae, hanggang sa nasira na ang larawan.

Sa Paglipas ng panahon, ang tali ng buhok ay maayos pa rin. Ginagamit pa rin ito nang babae. Ang litrato naman ay kupas na ay sira-sira.

Ngayon, anong ibibigay mo sa mahal mo?

10/1/07

Say goodbye to Nothing Sound

Dear Nothing Sound

After almost 200 posts (197 to be exact), you must retire. I was surprised by this news when I read your article. You and I were born almost at the same time, about 1 and a half years ago. I even asked you what are the basics I have to learn. You were like a big brother to me. Eventually, I came to stand on my own two feet. Although we did not speak much, I enjoyed reading about your stories ( especially shemay) hehe. I will miss you Nothing sound. Take this in heart, I will always remember your URL. http://nothingsound.blogspot.com

Sincerely,
Pinoypipol