7/21/06

Outbound

Pagdating ko ng gabi sa bahay, nagbihis ako at dumiretso sa kama. Ngunit hindi ko masyadong maramdaman ang sakit ng aking katawan, alam ko na ubos na ang aking lakas.

Gumising ako ng 4:00 AM ng umaga. Ako'y naligo, pagkatapos kumain. Pumunta ako sa paaralan ng 5:00 AM. Doon palang, nagsimula na ang "pictorial" namin. Umakyat kami ng bus at nag-"pictorial" uli kami. Dumating kami sa MUSEUM OF NATURAL HISTORY. Marami kaming nakita na mga hayop at halaman na patay at naka-"preserve". Paglabas, may mga naligaw ng daan pabalik sa bus, tinawag ko ang atensyon nila at sila'y bumalik. Nakasabay ko ang aming adviser na si ma'am Rose(Ms. Sandoval). Pumunta kami ng aking partner na si Dale at marami pa, sa MAKILING BOTANIC GARDENS at doon kami naglakad ng napakatagal(seryoso). Sa isang parte ng aming lakbay, nahiwalay kami sa aming grupo. Sinundan lang namin ang mga madulas na lupa kungsaan dumaan yung aking mga kaklase. Nakita rin namin sila pagkatapos noon. Sa hindi katagalan, nakita rin namin ang aming pupuntahan, ang isang lugar na tawag na FLAT ROCKS. Nagtanggal ng putik at ang iba pang putik. Kaunting hike pa ay nakabalik na kami sa bus. Yung aking kaklase na si Timothy (Delgado) ay sinumpung ng lagnat at hindi na nakasali sa susunod na gawain. Pumunta kami sa BSP kungsaan ginaganap ang mga Jamboree ng mga boyscouts. Lumangoy-langoy kami sa pool at bumalik sa bus.

Akala niyo ba maikli lang ang aming linakbay, kayo ay nagkakamali. Heto, Kumuha kayo ng isang kilometro. Pahabain mo siya ng sampung beses, at dagdagan ng madulas na putik, nakausling bato at sanga at mga madulas na putik. Hayun ang aming linakbay.

Pagbalik sa bus, Nag kantahan na kami(ANG GALING KUMANTA NI MA'AM) at nag sayawan. May mga nahihiya ngunit masaya pa rin, lalo na yoong aming mga "facilitator" na sina Kuya OJ(na kamukha ng lead singer sa Kamikaze), si Kuya Jhun, at si Ate Gracie, at ang driver namin, si Kuya Andy.


Pagkatapos...

Hayun balik ESKWELA...

:)

1 comment:

Anonymous said...

Great site lots of usefull infomation here.
»