10/27/06

About life...

Tungkol itong post ko sa ating pangaraw -araw na buhay.

Isipin natin na tayo sy naglalakad sa isang madilim na kalye na walang ibang taong naglalakad. Tapos, may nakit tayo na isang batang maraming sugat, galos, pasa at siya'y hindi na pakapagsalita. ano ang ating gagawin. Siyempre sasabihin natin na aing tutulungan ang maliit na bata. Sino naman ang hindi? O sige, sabihin natin na tinulungan mo, binigyan mo siya ng ilang libong piso na iyong nakuha mula trabaho, o sa allowance mo, pinunta o siya sa isang pulis at sinabi ang kanyang kundisyon, nanatili ka sa bata hanggang nakahanap na sila ng kanyang magbabantay. Nakakagaan ng puso, di ba? nakakagaan ng puso na ilang gabi kang napuyat kahahanap sa mga magulang ng bata, nakakagaan ng puso na ilang libong piso ang nagasta mo sa pangangalaga sa bata kung saan ikaw ay hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Siyempre, nakatulong ka eh.

Ehh, ngayon ibahin natin ang sitwasyon. ilagay natin ang ating sarili sa isang mataong lugar tulad ng mall. Nagwiwindow-shopping kayo sama ang mga friends mo, dahil sa kaunti na lang ang pera niyo, may nakita kayong isang matandang nadapa at sa tingi niyo ay ok lang siya, pero hindi siya bumabangon. Pumunta kaagad kayo malapit doon. Hindi kayo makalapit ng maayos dahil nasisiksikan ang mga tao sa mall, ilang bata ang sumubok na lumapit pero pinigilan sila ng kanilang mga magulang. Nagkaroon ng bilog na nakapalupot sa matanda, ang iyong mga kaibigan ay nakatunganga lang. Ano gagawin mo?

Choices:
A)tatawag ka ng pulis
B)pupuntahan mo ang matanda at titingnan ang pulso
C)itulak ang isang kaibigan at sabihing, "huy, tulungan mo"
D)itulak ang isang kaibigan at sabihing, "huy, alis na tayo dito"
E)basta bastang umalis na lang, wala ka nang magagawa, eh
F)wala, tutunganga ka lang doon

Kung tayo ma'y pipili, ilagay natin ang sarili natin sa isang mall, sa mga parehong kundisyon na nakasaad na kalagayang ito. Huwag nating lokohin ang ating sarili, dahil sarili mo lolokohin mo pa, sus.

Huwag nating intindihin ang iba sa pagpili natin ng desisyon. (choose wisely)

:D

No comments: