Sa aking nakaraan, marami akong nagawang mabuti, hindi mabuti, masama, at marami pang iba.
Sa mga nagawa kong mabuti, nagpapasalamat ako dahil nagawa ko iyun. sana lahat tayo gumawa ng mabuti para ang lahat masaya at maayos ang buhay. ilang beses na rin akong napasaya ng mga taong gumawa ng mabuti, kahit mga simpleng bagay.
Sa mga masama kong mga nagawa, nagsosorry po ako. ang iba po ay sinadya ko po pero patawrin po ako. kung hindi po ako papatawarin, ok lang, pero bati na sana para mas maganda buhay. hindi ko po sinasabi na ang mga ginawan ng masama ay dapat na lang magpatawad, no hindi ko sinasabi yun.
ang layunin ko sa buhay ay mamuhay ng maligaya, iyun lang. pero hindi ko iyun magagawa kung marami akong kagalit, ginalit. nais ko pong gumawa ng bagay na, hindi lang magpapasaya sa akin, kung hindi sa aking sarili.
ayaw ko po yung sense ng accounting na everything has an equal amount and it sould be bertered for the same amount. sa aking paniniwala, ang lahat ay ginawa ng Diyos ng pantay-pantay, ngunit itinalaga niya tayo na tagapagalaga. at dapat nating alagaan natin ang lahat, pati narin ang kapwa.
paglaki ko, gusto kong kumuha ng kurso ng BS(bachelor of science) Bio. trip ko lang. nalaman ko na maganda ang buhay at ito ay dapat pahalagahan. live today as it were the last. magandang prinsipyo iyun.
ako, sa akin, ayaw ko magpabigat at mabigatan. ayaw kong naiistress, kaya sorry na lang kung nababaliw na ako kung super stressed na. ayaw kong magdulot ng hinanakit sa mga tao, ayaw ko rin isipin na may taong nakabaon sa galit sa isip ko.
forgive and forget. (ung pangalawa nagagawa ko kahit ayaw ko kalimutan ung isang bagay, ganun eh) magpatawad at mapapatawad, kasi wala namang perpektong tao. ito, para ito, lumigaya lahat. kung walang atraso, lahat kaibigan.
sorry po kung mahaba, napa emotional ako eh, gusto ko lang magsabi ng sorry at thank you. (parang iyun lang ang dapat nilagay ko eh, pero ok lang :P).
WE'LL CARRY ON!!!
11/29/06
Pangilay ko sa aking nakaraan
Publicated by bo and SYMBO since 4:36 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment