Una sa lahat, hindi ako makatulog ng maaga. Humihiga ako sa kama ng mga 10:00 - 11:00 at nakakatulog ako ng mga 2:00 - 3:00. Napakanakakabangag ang mga oras na napakaloob dun sa mga oras sa pagitan nun.
Ikalawa sa lahat, Napaka walang kuwenta ng summer ko. Nakakabagot, nakakatamad at mag-isa lang ako sa pagkausap ko sa sarili ko ( seriously, gusto ko lumabas ng bahay kaso walang pupuntahan).
Ikatlo naman ay dinaramdam ko ang ka-walang kuwentahan ng buhay sa summer. Sa totoo lang, bored na bored ako dito sa bahay, kaya nga gusto ko umalis ng bahay, away from family, and with my friends.
Kapag pinagsama-sama ang lahat, napaka lala ng kundisyon ko sa gabi.Halos ako ay maiyak sa ka-walang kuwentahan ng bakasyon kong ito. Palibhasa hindi naman ako nakukuntento.
Ang isang napaka gandang rason kung hindi ako nag wawala ay ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok ng third year. Actually, dalawa yun eh, kaso isa lang ang ibibigay ko.
Ang isa sa dalawang dahilan ng aking pagpapanatili ko ng tamang rasyonalidad ay ang aking mga kaibigan. Siguro hindi ko na kailangang ituro kung sinu-sino yun. Inaasahan kong nariyan lang sila kung may chansa ngang tuluyan na akong nabangag.
Ang ikalawa ay ewan ko. Ilan lang ata ang nakakaalam, pero siguro alam nila kung ano ang ikalawang dahilan na ito.
Haay, buhay summer talaga.
Kagabi, nakikinig ako sa TV sa kabilang kuwarto, bago ako nakatulog ay narinig ko ang kantang, "I will survive". Napaka-korny diba, kaso hindi masyado kasi ganun na nga ang kailangan kong mga salita sa tag init nitong buhay ko.
Sa haba nitong na-i-type kong ito ay isa lang ang gusto kong maipahiwatig. Iyun ay, "xet, lang kwenta sumer k".
4/2/07
Another Long and Disturbing Post
Publicated by bo and SYMBO since 5:48 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment