Anong lugar ang malaki, mataas at matao? Anong lugar ang noo'y maganda't malamig? Anong lugar ngayo'y sing-init na ng pinakamalamig na panahon sa Maynila?
Sige, hula pa...
Nakaka-awa ang lugar na ito. Sabi daw na noon ay puno pa ito ng mga punong nagsilalakihan, na ngayon ay bulubundukin na ng bahay.
Hindi ko tanda kung ako ay nakapunta na doon noon, pero alam kong lumalala lang ito lalo.
Kung hindi sa tao'y isa pa rin ito sa pinaka magandang lugar sa bansang Pilipinas.
Alam kong mauubos rin ang kakaunting puno ng ngayon ay nakatayo sa matatarik na bulubundukin ng lugar na ito. Alam kong mababasag ang bansag ng mga tao sa lugar na ito. At alam ko rin na kahit ang opinyon ko ay akin lamang, hindi mababago ang katotohanang ang tao ay ang dahilan kung bakit nagkaganito ang maraming lugar sa Pilipinas.
At Yun ang natutunan ko ngayon bakasyon.
5/22/07
Mga natutunan ngayong bakasyon.
Publicated by bo and SYMBO since 1:35 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment