7/17/07

Pisong Babalik

"Ay, kuya, wala po akong barya", sabi ng trycicle driver, "sa susunod na lang ho."

"O sige", sabi ko, ngunit alam ko nang hindi ito babalik ang aking piso.

Sa araw na mga dumaan, Hinahanap ko ang mamang ito. Siyempre, hindi ko na siya natiyambahan. Isip ko agad-agad, "Oo, hindi na nga babalik piso ko."

Sa mga araw pang nakaraan, unti-unti ko nang nalimutan ang pisong utang. Total, bumibigat na rin ang aking wallet sa mga pisong barya.

Isang araw, nang umuwi akong ginagabi na, sabi ko sa sarili ko, "Hala, paano na 'yan, gabi na nga talaga ako uuwi." Ngunit, sa bangketa sa kabilang banda ng kalsada bago ako tumawid, may tricycle na tila hindi gumagalaw, o nakaparada. Sa aking pagtawid, inakala ko na isa siyang 'di pamilyar na mukha, isa nanamang bagong tricycle driver. Nasip ko nanaman ang aking piso.

Nang pagsakay ko sa kanyang sidecar, agaran kaming umalis papunta sa itinakda kong lugar. "West", sabi ko, pero hindi ko sinabi a ng numero ng bahay ko. Nang papunta na kami sa bahay ko dahan-dahan niyang minaneho ang kanyang sasakyan patungo sa harap mismo ng bahay ko.

"Bakit kaya?", inisip ko, "siguro nalimutan ko lang ang mukha niya".

Nagbayad ako ng 15 na sobra isang piso sa bayad (14 lang kasi ang pamasaheng kailangan). Isinukli niya sa akin ay dalawang piso.

"Kuya,"

Bago pa ako mag patuloy ay sinabi niya sa akin...

"'Di ba may utang pa ako sa inyong piso"

1 comment:

Anonymous said...

Wahahaha. funny pre