by SYMBO
Nakikita ko ang mali
Nakikita ko ang kadayaan
Nakikita ko ang Sistemang bali
Nakikita ko ang kawalan ng katarungan
Sila ang masusunod
Sila ang dapat pakinggan
Wala tayong karapatan
Dahil sila ang makapangyarihan
Pang-aabuso sa mga mahihina
Pananakit sa kapwa
Pananakot sa nakabababa
Pagsasawalang-bahala
Ano ang sabi ng iba?
Huwag tayo lumaban
Wala tayong magagawa
Dahil sila ang makapangyarihan
Wala tayong karapatan
Dahil wala tayong kapangyarihan
Nakatataas sila
Kaya sila ang tama
Ganito ang sistema
Ito ang katotohanan
Kailan ito mag-iiba?
Kailan tayo magkakaroon ng karapatan?
Ang mga mataas na sundalo
Silang mga magulang
Silang mga balikong pulitiko
Mga opisyal na tiwali
Kailan nila makikita
Ang kanilang pagkakamali?
10/11/08
Wala Tayong Magagawa
Publicated by bo and SYMBO since 3:36 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment