3/28/07

BIO ni PETE

Si Pete, yung bago kong pet na naninirahan sa kalagitnaan ng isang kuweba sa blog na ito.

Nakakita ako ng isang pet ng isa sa ating mga kaklase, at aking naisip na, "matagal na rin akong walang pet", kaya sinundan ko yung adress kung saan may mga listahan ng mga pets.

Napadpad ako sa bunnyherolabs.com kung saan may listahan ng mga pets. Ang una kong nagustuhan na pet ay isang kabayo, kaso ampangit ng galaw niya, kaya tiningnan ko yung chick. Ang problema nung chick naman ay masyado siyang common, kasi pumunta ka lang sa mga farms ay marami ka nang makikita na chick.

Ngayon, wala akong nagugustuhang animal. Nakakita ako ng isang pet bat na kulay violet, ampangit ng kulay niya, kaya tumingin ako ng isang itim na bat, ang astig ng kulay.

Pinirmahan ko na ang adoption papers kaya ipinanganak na si Pete, yey!

No comments: