10/2/07

Regalo

Nagbigay ang dalawang manliligaw ng tig-isang regalo sa kanilang nililigawan.

Ang isa ay nag-bigay ng isang tali ng buhok.Isang simpleng regalo lang ito, hindi mamahalin. Ginamit ito nang babae araw-araw dahil laging naka lugay ang kanyang buhok na nakakasagabal dito.

Ang isa naman ay isang larawan. May kalakihan ito, mga 20 x 30 inch. Isinabit ito ng babae sa kanyang bahay. Sa una ay tingin ito ng tingin, ngunit, paglipas ng panahon aynakasawaan ito nang babae, hanggang sa nasira na ang larawan.

Sa Paglipas ng panahon, ang tali ng buhok ay maayos pa rin. Ginagamit pa rin ito nang babae. Ang litrato naman ay kupas na ay sira-sira.

Ngayon, anong ibibigay mo sa mahal mo?

No comments: