10/19/07

Habang nakatunganga ako dito sa harap ng monitor, iniisip ko kung ano ang puwedeng gawin. Natural, marami kaso tinatamad ako. NAriyan ang mga homeworks, mga chores, mga bagay na ililigpit at aayusin, kaso... tinatamad ako.

Ano naman iyon, walang kabluhang pagkakatunganga. Isa akong patay na kaluluwa sa loob ng aking katawan. wala akong dahilan upang umarte ng dapat. Wala akong inspirasyon upang gumaawa at lumikha ng mga bagay-bagay, kung mayroon man ay wala pa rin itong katuturan.

Ang sabi sa akin at isa akong malabo at magulong tao, isang matalinong tamad, isang baliw na malalim. Ang lahat ng ito a totoo, wala nang dahilan pa para palawakin.

Sana ay mahanap ko muli ang aking mga munting paraan upang masimulan muli ang patuloy na paglikha sa katapusan ng unang bahagi ng aking magulong buhay. Kung may kasama man ako ay mapalad, kung wala naman, marami pa akong gagawin.

Happy birthday Maan Rose
Congrats Maam Berlie
Good Luck me

No comments: