12/1/06

Children cry

Fact na umiiyak ang mga bata. hindi na ito maiiwasan. kapapanganak pa lang natin, ang pag-iyak ang unang ginawa. pinapalo tayo ng doktor para umiyak, kung hindi, hindi tayo malusog.

ang kanta ng white lion na sobrang luma na ay napakinggan ko, nakakakonsyensya. ayaw ako lubayan ng mga tono nito. ngayon ko lang natamo ung totoong meaning nito.

ang pagiyak ay isang natural na bagay, ang mga paghihirap na tinatamo araw-araw, mga nakakaasar na mga tao, mga hindi malutas na problema, ang mga ito ay natural lang. walang rason na sapat umayawa sa buhay.

sinusubukan ng tao na kumalinga sa mga isa't isa, sinusubukan nila na gumawa ng tama, kung nabigo man nila ang isa't isa. hindi sila titigil, hindi sila titigil hanggang makatulong sila.

kung wala na talagang pagasa, wala nang paraan, wala nang magagawa, manatili na lang hanggang may tumulong pa. kapag mas marami ang tumutulong sa mga problema, walang pagasa ang problema na mamayagpag. malulutas at malulutas ito.

hindi ako naniniwala sa mga imposibleng problema, wala namang dahilan upang ito ay mangyari. lahat, may solusyon, lahat may katapat.

ang bata ay matutulungan ng magulang, ang magulang ay matutulungan ng bata, ito ay totoo. ang tao ay ganito, ang mabuting matatanggap ay ibabalik niya sa lahat.

h'wag asamin ang kapangyarihan at kayamanan. gustuhin ang maspermanente sa buhay, mga kaibigan, pagmamahal, at ito ay babalik at babalik sa atin.

ang ito ay ang batas ng kalawakan, lahat ay maligaya kung lahat ay magpapaligaya, tutulong at magmamahalan.

ONE UNITED WORLD... UNDER GOD

No comments: