"ma, ma, wag mong kalimutan yung damit kong bago"
"oo, marami pa akong ginagawa"
"sige"
Ito ang usapan ng mag-inang magbabakasyon sa kanilang mga lolo't lola. natural lang na magdadala sila ng mga gamit, damit at iba, lalo na na Pasko na. ngayon mga ilang oras na biyahe, napagod at nahilo ang mag-ina.
"ma, ma, nasaan sina lola?"
"nasa loob, mag-bless ka sa kanila"
"o sige po"
nagkita ang mag lola at mag lolo. siyempre, nagmano ang bata sa kanyang lola at lolo. sinabi ng lola na malaki na siya, nalampasan na nga niya ang tangkad ng kanyang lolo.
"lo, la, may regalo po ba kayo"
"ha, regalo kaagad, o sige, heto, merry christmas"
"yey, tenkyu,"
sa pagkuha ng bata ang kanyang regalo, sabay niyang pinunit ang magandang wrapper ng regalo.
"waw, ang ganda, salamat po"
"o sige"
pumasok ang nanay sa bahay dala-dala ang gamit nila, sa hindi inaasahan, natalisod siya sa isang pirasong papel na nakakalat.
"ahh, aray ko"
"nay, ok lang po ba kayo"
"oo"
pagtayo ng nanay, nahilo siya at tumumba muli.
"nay, gising po, gising po"
sinabi niya ito ngunit walang sagot
sa susunod na araw, magaling na ang nanay niya, nahilo lang naman siya, ngunit, sabi ng doctor, wag muna daw siyang lumabas ng bahay.
"naku, hindi na ako makakapag simbang gabi"
"ha, ako rin, ayaw ko pumunta"
"hindi anak, magsisismba ka"
"ha, ano, o sige, pero nasaan ang damit ko"
"nandyan sa loob ng bag"
naghalungkat siya ngunit walang nahanap
"wala naman eh, ma"
"nandyan yan,hanapin mo lang"
bunaliktad na niya ang bag pero wala siyang nahanap
"ma, wala"
"ha, ano, baka hindi ko nailagay"
"ano, sinabi ko naman na ilagay mo ah"
"sorry anak"
padabog umalis patungong simbahan ang anak, iniisip ang ignoranteng inay niya.
sa sermon ng misa, hindi siya masyadong nakinig, mas inaalala niya ang kanyang suot. pero, may narinig siyang bahagi ng sermon ng pari. "alam niyo ba, na halos lahat ng tao ay hindi alam ang totoong diwa ng Pasko. inaakala nila na ang Pasko ay tungkol sa mg magara at bagong damit, sa mga regalong nakabalot sa maganda at matingkad ng papel. Hindi, and totoong diwa nito ay ang kasimlehan ng buhay, kapayakan ng kaligayahan. Ngunit hindi man natin ito gamay, ito ang mga iniisip natin. "
Tumigil ang utak ng bata, at siya ay napagisip-isip.
MALIGAYANG PASKO
12/25/06
MERRY PASKO
Publicated by bo and SYMBO since 4:15 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment