by SYMBO
Naalala ko lang. Dati, napadaan kami ng kuya ko sa Timezone sa Robinson's Metro East. Syempre, ang gusto namin makita ay yung tekken 6 machine. Nakita nga namin, and as usual, may naglalaro. Pero, unusually, walang kumakalaban sa kanya. CPU lang kalaban niya. Siguro sobrang galing niya kaya walang gusto kumalaban sa kanya. LEI WULONG ang character na ginagamit niya. Naastigan ako. Favorite ko si Lei eh. Tuwang tuwa pa ako kasi may nakita akong ginagawa niyang combo na matagal ko nang gustong gawin pero hindi ko ginagawa kasi akala ko imposible.
Pag-uwi ko nung gabing yun, binista ko ang website na tekkenzaibatsu.com para tingnan ang Lei forums. Aba, nakita kong nag post pala doon yung lalaking nakita kong naglalaro sa Robinsons. Eh world-wide yung forums na yun. What are the chances na yung taong nakita mong naglalaro just a few minutes ago ay nag post sa exact same forum na pinagpostan mo? Sa dami ba naman ng tao sa BUONG mundo... Astig. Small world.
Nakita nung kuya ko yung apelyido nung lalaking yun, at sinabi niyang may kakilala siya na ang apelyido ay kapareho nung sa lalaking iyon. Tinanong niya yung kakilala niya kung kaanu anu niya yung lalaki. Aba, akalain mo bang kapatid pala. Etong lalaking ito ay kapatid pala ng kaibigan ng kuya ko. At ngayon ang taong ito ay ka-school ng kuya ko. Wow. Small world.
Ngunit hindi pa tapos ang kuwento. Sa aking school... May banyo (wow, para namang kakaunti ang school na may banyo.. joke). Tapos sa loob ng banyo merong tabo. Nakita kong nakasulat sa tabong iyon ang pangalan nung taong nakita kong naglalaro sa Robinsons O_O (pero hindi vandalism, part talaga nung design nung tabo yung pangalan niya). Later on, napag alam-alam ko na nag aral din pala siya sa school ko, at may legacy siyang iniwan doon in the form of a tabo. Hanep. Small world talaga.
Kapatid siya ng kaibigan ng kuya ko.
Ka school siya ng kuya ko.
Nag aral siya sa school ko.
Pareho kaming naglalaro ng tekken.
Pareho kaming Lei ang ginagamit sa tekken.
(At bibihira ang mga nakikita kong gumagamit ng Lei)
Nagpopost din siya sa forums kung saan nagpopost ako
(which is world-wide. Hindi lang puro Pilipino.)
Sino bang mag-aakalang ang isang taong nakita mo lang na naglalaro sa isang t6 machine sa Robinsons ay related pala sa'yo in more ways than one?
Astig. Small world.
8/9/08
Astig. Small World.
Publicated by bo and SYMBO since 9:04 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment