8/21/08

Sakit ng Tao

I. Pride
Sasakit ang mga batok ninyo sa kakatingin sa taas. Mahihilo rin kayo kasi masyado nang nasa alapaap ang mga ulo ninyo. Mananakit na rin ang mga mata ninyo dahil sa katitingin sa ibaba. Mag-ingat lang kasi medyo maraming maaasar sa inyo, dahil hindi na daw kayo tumitingin kapag kinakausap kayo.

II. Lust
Mag-ingat sa mukha, madalas itong mamumula. Mag-ingat rin sa inyong mga utak, maaaring malaglag ito at marumihan. Payo ko ay huwag na lang mag-isip-isip masyado, upang huwag sumakit ang ulo sa kaiisip.

III. Anger
Magkakaroon kayo ng pulang balat, kasi ang dugo ninyo ay gigidgirin ang inyong balat. Ingat rin sa mga nose bleed, kasi madalas itong mangayayari. Ang mga kilay rin ay maaapektuhan, magiging matigas ito ay mahirap nang ibalik. Ang puso rin ay ingatan, sige, bahala kayo, puso ninyo iyan.

IV. Gluttony
Ang inyong mga bituka ay lalaki ng lalaki hanggang sa pumutok ang mga ito. Mag-ingat sa inyong tiyan baka isuka. Ang pag-dudumi rin ay bantasan, baka lumabas na ang inyong lamang loob. Sa mga ipin naman ay baka ninyo malunok.

V. Envy
Baka maputol ang mga mata ninyo sa katitingin. Baka rin masira ang mga bibig ninyo sa kasisimangot. Mag-ingat sa mga bagay-bagay sa paligid at baka kayo ay patayin ng mga ito.

VI. Covetousness
Huwag alamin ng kanang kamay ang kginagawa ng kaliwa, lalo na sa pandurukot. Baka mag-away ang mga kamay ninyo hanggang sa maputol ang isa. Ingat rin sa paggamit ng salitang "gusto", ito ay nakakapahamak.

VII. Sloth
Ingatan ang buong katawan, baka paggising ninyo ay wala na ito. Lalo na sa mga musclesdahil ito ay ang mga pinakamadaling maagnas. Ang payo ko lamang ay tumayo, at paminsan-minsan ay maglakad-lakad.

No comments: