by Symbo
kapag nahirapan ka sa grade school, sasabihin sa'yo:
"Ganyan sa High School, kaya ngayon pa lang ay sinasanay na kayo."
kapag nasa high school ka na, sasabihin sa'yo:
"Ganyan sa College, kaya ngayon pa lang, sinasanay na kayo."
Pagtungotng mo ng college...
"Ganyan ang totoong buhay pagkatapos ng edukasyon, kaya dito pa lang sinasanay na kayo."
Sa totoong buhay...
"Ganyan talaga. Masanay ka."
Wala na ba tayong karapatang maging malaya sa trabaho?
Ang mga mag-aaral ay tambak sa mga gawain tulad ng homework at mga katakut-takot na proyekto, sa LAHAT ng subject. Kapag hindi nila nagawa ng maayos, magrereklamo ang guro. Pero silang mga mag aaral, walang karapatang magreklamo sa dami ng kailangang gawin.
Ang mga guro at empleyado, binibigyan ng mga boss nila ng maraming tungkulin. Kapag hindi nila nagawa, patay sila sa Boss. Pero sila, hindi makareklamo sa hirap ng trabahong pinapagawa sa kanila.
Hangga't may nakatataas sa atin, lagi lang tayong tatambakan ng trabaho?
At wala tayong karapatang magreklamo?
Mula 3 years old
Hanggang 60 years old
Maraming ginagawa ang isang tao.
At wala siyang magagawa dito.
Ganun na lang iyon?
Ang sarap ng buhay.
12/9/08
Maraming Ginagawa at Walang Magagawa
Publicated by bo and SYMBO since 8:08 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment