post by SYMBO
May isang lalaki. At isang babae. Magkasintahan sila.
Isang araw. Nag usap sila dahil may problema ang relasyon nila. Sabi ni babae "It's not you, It's me. I'm sorry... pero break na tayo." Syempre nasaktan si lalaki, pero wala siyang nasabi. Nagpatuloy si babae, "Okay ka lang naman e. Ako lang yung may problema. Ako yung mali."
Si lalaki ay medyo nainis dito, pero wala pa rin siyang nasabi. Kaya nagpatuloy pa ulit si babae... "Nagkakaproblema ang relasyon natin dahil sa'kin. Ayaw na kitang saktan."
Dito, nainis na talaga si lalaki, at nagsalita na siya.
"Oo na, ayaw mo na sa'kin."
Sinubukan ni babae na depensahan ang kanyang sarili.
"Hindi sa ganoon. Hindi naman talaga kita gustong iwan, pero nakakasagabal lang ako sa'yo."
Lalo lang nainis si lalaki.
"Hindi naman tumututol ang magulang mo sa relasyon natin. Hindi naman ako napapahamak dahil sa'yo. Kaya ano ang dahilan mo para sabihing sagabal ka lang sa'kin? Alam ko kung bakit mo sinasabi yan. Dahil ayaw mo na sa'kin.
"Kung alam mong may mali sa'yo, at ayaw mong masira ang relasyon natin, dapat gumawa ka ng paraan para makabawi sa mga pagkakamali mo. Dapat subukan mo magbago. Pero kung gagamitin mo lang na dahilan ang 'It's not you, It's me', Ibig sabihin gumagawa ka lang ng dahilan para iwan ako. Parang sinabi mo na ring "Mali ako. At kuntento na ako sa pagiging mali. Pabayaan mo na lang ako maging mali." Ang totoo nyan, tumatakas ka lang sa pagiging tama, at tumatakas ka lang sa relasyon natin. Tinatakasan mo lang ako.
"Sabihin mo na lang na ayaw mo na sa'kin."
Pagkatapos nito, natanto ni babae na totoo nga ang sinabi ni lalaki.
Sabi niya,
"Oo tama ka. Iyon ang totoo, pinagsawaan lang kita."
Siguro hindi ko na kailangan ipaliwanag ang aral ng kuwento.
6/1/08
It's Not You, It's Me
Publicated by bo and SYMBO since 9:46 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment